MATINDING ulan na dala ng thunderstorm ang muling nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Las Piñas— dahilan para lumikas ang nasa 55 pamilya o humigit-kumulang 230 katao mula sa Barangay Pamplona Tres.
Kabilang sa mga inilikas ang siyam na sanggol, isang person with disability, at dalawang senior citizens.
Sa gitna ng kalamidad, isang residente ang nasugatan habang inililigtas ang kanyang mga gamit matapos mapakanang bubog. Agad naman siyang nabigyan ng lunas.
Habang patuloy ang relief operations at pamamahagi ng ayuda sa mga evacuees, ipinaabot ng mga residente ang kanilang matinding pagkadismaya sa lokal na pamahalaan—dahil sa hindi pa rin nareresolbang problema ng pagbaha na matagal na nilang kinakaharap tuwing panahon ng tag-ulan.
Mariing panawagan ngayon ng mga taga-Las Piñas: sapat na ang paulit-ulit na pangako—ang kailangan nila ay konkretong solusyon.