INANUNSYO ng pamahalaan ng Peru na umabot na sa 56% ng populasyon o mahigit 15.6 milyong katao sa bansa ang fully immunized na laban sa COVID-19.
Samantala, 19.3 milyon ang nakatanggap na ng unang doses, habang nasa 35.2 milyon naman ang kabuuang bakunang naipamahagi sa buong bansa.
Ayon sa Executive Director of Immunizations ng MINSA na si Gabriela Jiménez, simula Nobyembre 5 ay maaari nang magpabakuna ang mga kabataang nasa edad labindalawa hanggang labing apat na taong gulang .
Dagdag ni Jimenez na may sapat umanong immunizers para sa gagawing pagbabakuna sa mga nakababatang salik ng lipunan.
Muli namang nagpaalala ang direktor sa lahat na nagsimula na noong katapusan ng buwan ang pagbabakuna sa mga nasa labinlima hanggang labimpitong taong gulang.