MATAGUMPAY na nakumpleto ng 564 na mga bagong sundalo ang 6 na buwang pagsasanay sa Camp Eugenio Daza sa Hinabangan, Samar.
Ang mga nagsipagtapos ng Basic Military Training (BMT) ay kabilang sa Candidate Soldier Course Class 736, 737, 738, at 739-2022, na nagsimula ng pagsasanay noong Hulyo 2022.
Malugod na tinanggap ni 8th Infantry “Stormtroopers” Division Commander Major General Camilo Ligayo ang nasabing mga bagong kawal ng militar kasabay ng pasasalamat sa mga magulang ng mga ito na sa kanila ipinagkatiwala ang kanilang mga anak.
Nagsilbing class top notcher si Private Joshua Regayas mula sa Calbayog City, Samar.
Agad namang idideploy ang mga bagong sundalo sa iba’t ibang Army Units sa Eastern Visayas upang tumulong sa peace and order measure sa rehiyon.