MAKARARANAS ng lubos na kagutuman ang mahigit 570-K katao sa Gaza Strip dahil sa nagpapatuloy na Israel-Hamas war.
Ayon ito kay UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs Director Ramesh Rajasingham.
Sa kasalukuyan ay nakadepende na lang ang mga tao doon sa anumang food assistance na ibibigay sa kanila.
Sa datos mula sa opisina ng Israeli Prime Minister, 174 na aid trucks ang pumasok sa Gaza noong Lunes, Pebrero 26.