6 finance at lending firms, pinahihinto ng SEC ang operasyon

6 finance at lending firms, pinahihinto ng SEC ang operasyon

NAG-isyu ng Cease and Desist Orders ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa anim na finance at lending firms matapos bigong makapag-submit ang mga ito ng kanilang requirements.

Ang anim na lending firms ay ang 9F Lending Philippines Incorporated; Elending Lending Inc.; Hovono Lending Corporation; Makati Loan, Inc.; Second Pay Financing Inc.; at Tekwang Lending Corp.

Nilinaw ng SEC, ilan sa mga nilabag ng mga nasabing kompanya batay sa Memorandum Circular and Orders (MCO) ay kakulangan sa pagkakaroon ng official e-mail and contact number; disclosure of advertisements and reporting of online lending platforms; mechanism para sa mga reklamo at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble