NAARESTO ang anim na suspek na umano’y sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero noong Enero 2022.
Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), naaresto ito sa Parañaque City nitong Biyernes, Setyembre 15, 2023.
Kinilala ang mga ito na si Julie Patidogan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla.
Nahaharap sila sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
Ibinahagi ng PNP na dalawang buwang surveillance and intelligence operation ang iginugol nila para matunton at mai-monitor ang lokasyon ng anim na suspek.
Kaugnay rito ay makatatanggap ng P6-M ang informant ng PNP.
January 13, 2022 nang pumunta ang anim na sabungero sa Manila Arena subalit pinilit ang mga ito na sumakay sa isang gray van bandang 7:30 ng gabi sa nabanggit na araw.