MASYADONG maikli ang 6 na taon para sa isang napakagaling na presidente gaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang inihayag ni Philippine National Railways (PNR) General Manager Junn Magno sa panayam ng SMNI News.
Ibinahagi pa ni Magno na natatanging sa panahon lang ni Pangulong Duterte nagsimula ang konstruksyon ng railway projects at hindi sa panahon ng ibang administrasyon.
Aniya, matagal na siguro ang pag-aaral at pagplano hinggil sa proyekto subalit ang bumubuo ng PNR sa Duterte admin ang siyang mismong nag-clearing sa right of way para masimulan ang proyekto.
Kahapon, Hunyo 26 ay binuksan na muli ang PNR Line mula Laguna papuntang Quezon.
Kung matatandaan ay Oktubre 2013 nang pinahinto ang operasyon dahil bumagsak ang support structure nito.
Samantala, suhestiyon ni Magno, ipagpatuloy sana ng Marcos administration ang Whole-of-Government approach na nasimulan ni Pangulong Duterte.