HAWAK ngayon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 6 na mga tauhan ni 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ang 6 na indibidwal ay nadatnan ng awtoridad habang isinasagawa ang serye ng pananalakay sa ilang bahay ni Teves batay sa inilabas na search warrant.
Ang 10 search warrants ay ipinatupad dahil sa paglabag sa RA 10591 at RA 9516 na inilabas ni Hon. Allan Francisco Garciano, Executive Judge ng RTC sa Mandaue City, Cebu.
Ang anim ay hawak ng CIDG sa Camp Crame habang may 4 pang nakalaya at kabilang dito si Teves.
Sinabi rin ni Fajardo na isasailalim ang mga ito sa cross matching o ballistics examination bago iharap sa korte.