PINANGUNAHAN ni Senator Aquilino Koko Pimentel III ang turn over ceremony ng 6 units ng 1,000-gallon fire trucks sa Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters.
Mainit na tinanggap ng mga kawani ng BFP ang nasabing seremonya kasabay ng pasasalamat ng pamunuan nito sa tulong ng butihing senador para sa kanilang ahensiya
Nagsilbing benepisyaryo ang ilang Provincial Fire Stations ng Sorsogon, Cebu, Dipolog City, Zamboanga del Norte at Claveria Misamis Oriental.
Sa panayam ng media kay Bureau of Fire Director Louie Puracan, aminado siya na malaki pa ang kakulangan ng fire trucks sa bansa na aabot sa mahigit isang libo.
Ngayong taon nasa 200 pa na fire trucks ang nakatakdang bilhin ng BFP bilang karagdagang yunit sa rehiyon pa rin ng Visayas at Mindanao.