DAHIL sa walang tigil na pagsisikap ng Alcala Police Station sa pagsasagawa ng mga community-related activities sa munisipalidad mayroong 61 myembro ng Anak pawis ng Communist Terrorist Group Front Organization (CTGFO) ang boluntaryong sumuko sa otoridad.
Kasamang isinuko ng 61 myembro ng Anakpawis ang kanilang mga Identification Card bilang pagtatakwil ng kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF.
Ibinunyag din ng mga sumukong rebelde na sila ay na-recruite ni Randy Batara at Marilou Atendido sa ilalim ng pamumuno ng kinilalang si Isabelo Adviento.
Naenganyo umano sila sa mga magagandang pangako ni Isabelo Adviento gaya ng pagsagot sa kanilang mga problema, pagiging benepisyaryo ng mga pananim at iba pang pangangailangan ng mga gaya nilang nasa mahirap o mababang sektor ng lipunan.
Ngayong nakita nila ang tunay na pagsuporta ng pamahalaan mula sa matagumpay na lingkod bayanihan at mga aktibidad na isinasagawa sa mga barangay ay napagdesisyonan na nilang magbalik loob sa gobyerno.
Ang boluntaryong pagsuko ng mga ito ay patunay lamang na unti-unti ng humihina ang depensa ng CPP-NPA.
Samantala, saludo naman si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar at Pro2 Regional Director PBgen. Crizaldo Nieves sa liderato ni Cagayan PCol Ariel N. Quilang sa magaling na pagtatrabaho nito laban sa terorismo.
(BASAHIN: 150 dating mga rebel, sinunog ang bandila ng CPP-NPA sa Cagayan)