IGINIIT ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 65 mga Pinoy ang nasa death row sa iba’t ibang bansa.
Sa plenary hearing para sa kanilang 2023 proposed budget, iginiit ng DFA na 48 Pinoy at 17 Pinay ang nasa death row.
Kabilang dito ang kaso ng Pinay OFW na si Mary Jane Veloso na convicted sa drug trafficking sa Indonesia.
Giit ng DFA na nag-apply na sila ng executive clemency para kay Veloso at wala pang sagot dito ang Indonesian government.
Inatasan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si DFA Sec. Enrique Manalo na makipag-ugnayan sa Indonesian government para sa kaso ni Veloso.