66 detained POGO Workers, may malulubhang sakit; Operasyon ng PAOCC, pansamantalang itinigil

66 detained POGO Workers, may malulubhang sakit; Operasyon ng PAOCC, pansamantalang itinigil

PANSAMANTALANG itinigil ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang kanilang operasyon laban sa mga iligal na POGO matapos ang pagkalat ng sakit sa Pasay detention facility.

Ayon sa PAOCC, umabot na sa 66 ang bilang ng mga may malulubhang karamdaman sa mga detainee mula sa mga sinalakay na POGO.

Ilan sa kanila ay may respiratory infections, habang ang iba ay positibo sa HIV at hepatitis B.

Dahil dito, umaabot na sa dalawang milyong piso ang ginagastos kada buwan para sa pagkain, gamot, at serbisyong medikal sa loob ng pasilidad.

Sa kasalukuyan, mahigit 600 katao ang nakakulong sa naturang detention facility, dahilan upang mapilitan ang PAOCC na pansamantalang ihinto ang ilan sa kanilang mga operasyon dahil sa kakulangan ng espasyo.

Mula Enero ngayong taon, sampung raid na ang naisagawa ng PAOCC, na nagresulta sa mahigit 750 naaresto. Tinatayang nasa 9,000 pa ang mga dating POGO workers na nananatiling malaya at posibleng patuloy na sangkot sa ilegal na operasyon.

Iminumungkahi ngayon ng PAOCC ang pagkakaroon ng centralized database para matukoy ang mga iligal na POGO hub, gayundin ang mas mahigpit na koordinasyon sa mga embahada para sa repatriation ng mga dayuhan.

Nananawagan naman ang PAOCC sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa agarang aksyon sa lumalalang kondisyon sa loob ng detention facility.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble