679 security personnel, ni-recall ng PNP sa gitna ng paghahanda para sa BSKE 2023

679 security personnel, ni-recall ng PNP sa gitna ng paghahanda para sa BSKE 2023

UMABOT sa 679 na security personnel ang ni-recall ng Police Security and Protection Group (PSPG) kahapon, araw ng Martes Agosto 29, 2023 sa Camp Crame sa Quezon City.

Ito’y sa gitna ng paghahanda ng pamahalaan para sa nalalapit na pagdaraos ng Barangay at SK Elections (BSKE) ngayong darating na buwan ng Oktubre.

Ayon kay PSPG acting Director PCol. Rogelio Simon, mula sa mahigit sa 600 protective security personnel sa bansa, 495 rito ay kasalukuyang nagbabantay sa 285 government officials at 425 PSP naman ang nagbabantay sa 309 private individuals.

Sa ilalim ng nasabing hakbang, inaasahan na maiiwasan ang familiarity sa pagitan ng PNP, politiko at government officials na posibleng magkaroon ng impluwensiya sa nalalapit na BSKE 2023.

Tugon din ito sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution 10918 o Rules and regulations on the ban on the employment, availment of the service of security personnel or bodyguards during the election period on October 2023.

Sa kabuuan, umabot sa 920 protective security personnel ang naitala ng PNP sa bansa, kung saan nasa mahigit 300 dito ay nakapag-apply na ng certificate of authority at nakabalik na sa kani-kanilang binabantayang personalidad.

Batay sa pinakahuling datos ng PNP Security and Protection Group, mayroon nang 295 ang nag-apply ng certificate of authority kung saan 49 rito ang inaprubahan na ng COMELEC.

Follow SMNI NEWS on Twitter