Online voting para sa OFWs, papayagan ng COMELEC sa 2025 National at Local Elections

Online voting para sa OFWs, papayagan ng COMELEC sa 2025 National at Local Elections

PAGKATAPOS ang May 17 regular Commission on Elections (COMELEC) en banc, napagkasunduan ng poll body na aprubahan ang online voting para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ito ay para mapataas ang voter turnout para sa darating na 2025 National at Local Elections ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia.

Punto ni Garcia, baka kailangan ng panibagong paraan o mode ng pagboto para dumami ang mga OFW na lumahok sa halalan.

Sa kasalukuyan, personal na pagpunta sa voting centers o mail voting ang paraan ng pagboto ng mga OFW.

“Spending P411 million resulting to a dismal 39% turnout (although highest in history) is not value for money so to speak.”

“Why are not so many overseas Filipinos voting personally or by mail (presently the mode of voting for them) ? Maybe they need another mode,” ayon kay George Garcia, Chairman, COMELEC.

Ayon kay Garcia, nasa proseso na sila ng paglikha ng road map para sa electronic voting para sa mga OFW.

“We approved the policy direction and therefore we are now to prepare the roadmap for Electronic Voting for Overseas Filipinos,” dagdag ni Garcia.

Ang desisyon na magkaroon ng online voting para sa OFW ay ibinase naman ng COMELEC sa mga sumusunod na batas tulad ng Section 16 ng RA No. 9189 na nagpapahintulot sa COMELEC na pag-aralan ang paggamit ng internet sa pagboto ng mga OFWs

Pinagbasehan din nito ang ibang mga batas gaya ng Section 28, RA No. 10590 at Section 23, RA No. 10590 para sa paggamit ng mas reliable, efficient na sistema at paggamit ng alternative mode ng pagboto.

Samantala, nagbigay naman ng update ang COMELEC pagdating sa BSKE.

Ayon sa COMELEC, nasa halos 92M na ang registered voters para sa naturang halalan.

Sa Barangay Elections, nasa mahigit 68M na ang rehistradong botante.

Habang pagdating sa SK Elections, umabot na sa mahigit 23M ang registered voters.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter