69% ng mga Pilipino, nag-aalinlangan pa ring magpabakuna kontra COVID-19 

69% ng mga Pilipino, nag-aalinlangan pa ring magpabakuna kontra COVID-19 

NANATILING mataas ang bilang ng mga Pilipinong nag-aalangan pa ring magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nasa 69 percent ng mga hindi bakunadong adult ang hindi pa rin willing na magpabakuna habang nasa 12 percent naman ang handang magpaturok kontra COVID-19.

Batay rin sa survey, nasa 32 percent ng adults na bakunado na ang first at second dose ang handang magpabakuna ng kanilang booster shot habang nasa 44 percent naman ang ayaw nang magpa-booster.

Naitala naman ng survey na 55 percent ng mga adult na bakunado na ng third dose ang handang magpaturok ng kanilang ikaapat na dose o second booster habang nasa 32 percent naman ang hindi na magpapaturok.

Sa kabuuan, nasa 87 percent o tinatayang nasa 62.6 million na mga adult na Pilipino ang bakunado na kontra COVID-19.

Nasa 13 percent naman ang hindi pa bakunado; 6 percent ang nakapagpaturok ng kanilang first dose; habang nasa 57 percent ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Nasa 17 percent naman ang nakapagpaturok na ng kanilang 3rd dose o ang first booster habang nasa 6 percent ang nakakuha ng kanilang second booster shot kontra COVID-19.

Isinagawa ng SWS ang naturang survey para sa ikaapat na quarter ng taong 2022 na nilahukan ng nasa 1,200 adult individuals.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter