MAGKAKAROON na ng movie comeback ang nakaka-traumang horror/supernatural film na ‘Final Destination’.
Sa anunsiyo, ang sixth installment ng pelikula ay matutunghayan na sa Mayo 16, 2025.
Ang magiging pamagat naman nito ay ‘Final Destination: Bloodlines’.
Sa mga interesado sa trailer ay maaaring mapanood ito sa YouTube channel ng Warner Bros. Philippines.