7 indibidwal, arestado sa operasyon ng Rizal PNP kontra ilegal na sugal

7 indibidwal, arestado sa operasyon ng Rizal PNP kontra ilegal na sugal

ARESTADO ang pitong indibidwal matapos ang ginawang operasyon ng Rizal PNP kontra sa ilegal na pagsusugal.

Sa nasabing bilang, lima dito ay naaresto sa Antipolo City, Rizal, samantala ang dalawa naman ay sa bayan ng Rodriguez na nakuhaan din ng hinihinalaang shabu.

Sa ngayon nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Gambling Law) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Ang naturang katagumpayan ng Rizal PNP ay bunga ng maigting na pagpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na pagsusugal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble