7 katao nasawi, 4 ang nawawala matapos ang landslinde sa Monkayo, Davao de Oro

7 katao nasawi, 4 ang nawawala matapos ang landslinde sa Monkayo, Davao de Oro

PITO ang nasawi habang apat ang nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Brgy. Mt. Diwata sa Monkayo, Davao de Oro kahapon.

Sa gitna ng masamang panahon na epekto ng shearline o salubungan ng mainit at malamig na hangin.

Ayon sa Public Information Officer ng Monkayo, Davao de Oro, kritikal naman sa ospital ang 1 taong gulang na bata.

Mayroon aniyang prayer meeting ang isa sa dalawang bahay ng mangyari ang landslide.

Itinigil muna ang search at rescue retrieval operations dahil patuloy ang pag-ulan at landslide sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble