7 private armed groups, nalansag ng PNP ngayong taon—PNP

7 private armed groups, nalansag ng PNP ngayong taon—PNP

UMABOT na sa pitong armadong grupo ang nalansag ng Philippine National Police (PNP) ngayong taon.

Ayon sa PNP, malaking bagay ito sa usapin ng security preparations ng mga awtoridad sa nakatakdang pagdaraos ng Barangay at SK Elections (BSKE) sa bansa ngayong Oktubre.

Ito ang kinumpirma ng PNP kaugnay sa patuloy na paghina ng puwersa ng private armed groups (PAGs) sa bansa.

Sa kanilang datos, nasa apat na lang ang active PAGs ang kanilang binabantayan kasama ang 38 na potentials PAGs sa bansa.

Sa ilalim ito ng sunod-sunod na police operations at intel support ng Pambansang Pulisya, unti-unting nalalansag ang mga natitira pang mga potensiyal na mga armadong grupo na nagagamit sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa bansa.

Ayon sa PNP, malaking bagay ito lalo na sa BSKE.

2700 body worn cameras ng PNP, gagamitin ngayong paparating na Barangay at SK Elections—PNP PIO

Kaugnay rito, bahagi ng preparasyon ng mga awtoridad na huwag malusutan ng mga kriminal o masasamang loob, gagamitin din ng PNP ang nasa 2700 body worn cameras.

Paliwanag ng PNP, ang paggamit ng nasabing body worn cameras ay para matiyak na walang malalabag na karapatan sa pagitan ng pulis at ng komunidad sa gitna ng pagganap ng tungkulin ng mga ito sa ngalan ng maayos  at mapayapang pagdaraos ng BSKE sa bansa.

Sa huli, muling inaasahan ng PNP ang kooperasyon ng publiko para maisakatuparan ang target na zero crime na una nang tiniyak ng PNP dahil na rin sa sunod-sunod na matagumpay na security at contingency plans nito mula sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Palarong Pambansa, at ang nakatakdang pagsisimula ng world sporting event na FIBA World Cup dito sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble