NATAGPUANG palutang-lutang sa katubigan ng Bolinao, Agno at Bani sa lalawigan ng Pangasinan ang pitong sako ng hinihinilaang shabu.
Ayon sa ulat, limang sako ang narekober 30 nautical miles mula sa Brgy. Balingasay at Brgy. Luciente I sa Bolinao nitong Huwebes, Hunyo 5, 2025.
Sa kaparehong araw ay isa pang sako ang natagpuan malapit sa Brgy. Aloleng sa Agno habang ang isa pa ay nakita sa baybayin ng Bani.
Maliban sa sako na natagpuan mula sa Agno ay tinatayang nasa P844M ang halaga ng mga hinihinalang shabu.
Isang chemist na mula sa Philippine National Police-Lingayen ang nagsagawa ng paunang pagsusuri para makumpirma kung ito ay shabu.
Hindi pa nga lang maibahagi ang resulta dahil sa triple-layered vacuum-sealed packaging ng mga laman ng sako.