PINAGKALOOBAN ng libreng prosthetics ng Philippine Marine Corp. Foundation Inc. (PMCFI) katuwang ang Artificial Leg Philippines ang 7 marines na naputulan ng kamay at paa habang nasa giyera.
Diin ni Philippine Marines Commandant Maj. Gen. Charlton Sean Gaerlan, ‘major morale booster’ ang programa para sa mga sundalong nagbuwis ng buhay para sa bayan.
Hindi bababa sa P60,000 ang presyo ng artificial leg and arms na pinagkaloob sa mga sundalo.
Ang pitong nabigyan ay nasugatan at napuruhan sa iba’t ibang operasyon sa Mindanao partikular na sa Jolo Sulu nitong mga nakaraang taon.
Nagpasalamat naman ang pitong marines na nabigyan ng prosthetics at iginiit na patuloy silang magsisilbi sa Armed Forces sa kabila ng hamon na kanilang kinakaharap.