71 sa 72 bagon ng MRT-3, tapos nang ma-overhaul

71 sa 72 bagon ng MRT-3, tapos nang ma-overhaul

PUMALO na sa 71 ang bilang ng mga bagong overhaul na bagon ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos tagumpay na mai-deploy sa mainline ang isa pa nitong Enero 2023.

Dahil dito, isa na lamang sa 72 bagon ng linya ang hinihintay na matapos ma-overhaul ng maintenance provider nitong Sumitomo-MHI-TESP.

Ang mga na-overhaul na bagon ay sumailalim sa serye ng quality at safety checks upang matiyak na ligtas ibiyahe sa mainline.

Ang overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng maintenance program upang maibalik ang dating magandang kondisyon ng mga ito.

Nasa 14 train sets ang bumabiyahe sa linya, at umaabot naman hanggang 18 train sets ang tumatakbo tuwing peak hours kung saan ang isang train set ay binubuo ng 3 bagon.

Follow SMNI News on Twitter