NA-STRANDED ang 765 na mga pasahero na patungong Visayas at Mindanao sa Matnog Port dahil sa masamang panahon dulot ng Super Typhoon Karding.
Ayon sa PAGASA, kanselado ang biyahe ng RORO vessel kaninang umaga matapos itaas sa Tropical Cyclone Warning Signal No. 1. ang buong probinsya ng Sorsogon.
Samantala, nagkaroon ng pagpupulong ang Matnog DRRM Council para maging maayos ang trapiko at ang sistema ng pila habang naghihintay ng pagbabalik ng mga barko sa Matnog Port.
Tinatayang nasa 765 ang bilang ng mga pasaherong na-stranded sa naturang pantalan sa 33 na mga bus, 112 light cars at 30 motorcycles.
Nakahanda namang tumulong ang LGU ng Matnog para sa mga na-istranded na mga indibidwal.