AASAHANG papasok ang 8 hanggang 11 na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kaugnay rito, sinasabi ng PAGASA na may dalang benepisyo ang mga bagyo sa dam ng bansa.
Ibig sabihin, nakakatulong ito para maibsan ang epektong dala ng El Niño.
Sa katunayan, nitong Hulyo 29 ay umaangat ang water level ng Angat Dam sa 191.70 meters.
Matatandaang ang minimum operating level nito ay 180 habang ang high water level ay nasa 210 meters.
Tinataya namang dalawa pang mga bagyo ang kinakailangan upang maging sapat ang lebel ng Agant Dam.