PARATING na ang 8-car trainset para sa PNR Clark Project.
Ayon kay Secretary Arthur Tugade ang unang trainset ng PNR Clark Phase 1, na binili ng Department of Transportation (DOTr) mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation, ay paparating na sa mga susunod na araw sa Port of Manila matapos ang Factory Acceptance Test nito sa J-TREC Factory sa Japan.
Umalis ang bagong 8-car trainset sa Yokohama Port noong November 13, 2021. Nakatakda itong mai-deliver sa PNR Malanday Depot sa Disyembre matapos ang customs clearances na isasagawa para sa shipment.
Oras na matapos ang PNR Clark Phase 1, inaasahang magiging 35 minutes na lamang ang travel time mula Tutuban, Manila patungong Malolos, Bulacan, mula sa current 1.5 hours.
Aabot naman sa 300,000 na pasahero ang kaya nitong maserbisyuhan.