8 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

8 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Sumuko ang 8 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Talipao, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander Major General Ignatius Patrimonio ang mga sumuko na sina alyas Tuang, alyas Isbain, alyas Asuwad, alyas Siddik, alyas Wahab, alyas Tubah, alyas Jul at alyas Paddih.

Ibinaba rin nila ang anim na M1 Garand rifles at M16 rifle.

Sumasailalim na ang 8 miyembro ng Abu Sayyaf sa custodial debriefing sa headquarters ng 1st Infantry Brigade.

Habang sa initial debriefing, sinabi nina alyas Tubah at alyas Paddih na sumuko sila dahil sa gutom at pagod na dinanas at nais na ring makapagbagong buhay.

Sa kabuuan, 46 na Abu Sayyaf ang sumuko at nagbaba ng armas simula ng unang bahagi ng 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter