NASAWI ang siyam na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa militar sa Malaybalay City sa Bukidnon sa mismong araw ng Pasko.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nagsagawa ng opensiba ang 403rd Infantry Brigade (IB) ng 4th Infantry Division (ID) sa bulubunduking bahagi ng mga Barangay Can-ayan, Kibalabag, Kulaman, at Mapulo.
Nasamsam ng mga tropa sa pinangyarihan ng engkuwentro ang walong armas at inaasahang mas marami pa ang makukuha dahil sa nagpapatuloy na operasyon ng militar.
Ayon pa sa militar, ang nangyari ay isang signal para sa mga natitirang NPA para sumurender na, iwanan ang walang katuturang armadong pakikibaka at ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya.