INIREKUMENDA ng Commission on Audit (COA) ang comprehensive review sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.
Ito ay matapos madiskubre ng COA na hindi umangat sa laylayan ang karamihan ng pinakamahihirap na Pilipinong nakikinabang sa 4Ps.
Ayon sa COA, 3.82-M o 90-percent ng 4.26 milyon na kasama sa 4Ps ang nananatili pa rin sa ‘below poverty’ line sa kabila ng pagiging benepisyaryo nito nang matagal na panahon.
Batay sa audit body, kabuuang 3,820,012 benepisyaryo ang nasa programa sa loob ng 7-13 taon at pumalo na sa P537.39-B ang nabigay na cash grants sa mga ito hanggang noong Hunyo 2021.