PATULOY na tumataas ang bilang ng mga namatay sa tumamang 7.5 magnitude na lindol sa Japan.
Sa datos nitong umaga ng Enero 5, 2024, umabot na sa 92 ang bilang ng mga nasawi.
Nasa 242 rin ang kasalukuyang missing o nawawala.
Libu-libong rescuers ang patuloy na nagsasagawa ng search-and-rescue operations sa kabila ng iba’t ibang hamon tulad ng aftershocks.
Sa kabilang banda, ang daungan ng lungsod ng Wajima, Noto Peninsula ang isa sa pinakamatinding napinsala ng magnitude 7.6 na lindol noong Enero 1, 2024.