95% sa mga Pilipino, may nakikitang pag-asa para sa 2023

95% sa mga Pilipino, may nakikitang pag-asa para sa 2023

95% sa mga Pilipino ang naniniwala o may nakikitang pag-asa para sa taong 2023.

Ayon ito sa Social Weather Stations (SWS) mula sa isinagawa nilang survey noong December 10-14 sa mga lugar gaya ng Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Kung ikukumpara sa 2021, mas mataas ito ng 2% at halos pareho na sa naitalang 96% noong 2019.

Mula rin sa survey ng SWS, 5% lang ang may takot para sa taong 2023 at mas mababa ito kung ikukumpara sa 7% na naitala noong 2020 at 2021.

Follow SMNI News on Twitter