MAGTATAYO ang Department of Agriculture (DA) ngayong taon ng 99 na cold storage facilities.
Ito’y para mapahaba pa ang shelf life ng mga prutas, gulay, at high-value crops.
Sa pamamagitan nito ay matitiyak na rin ang sapat na suplay at pagkakaroon ng price stability.
Kung maitatayo na ang P3B na proyektong ito ay gagamit ang mga pasilidad ng renewable energy sources gaya ng solar at wind power upang maging environment-friendly din ito.
Maaari pa rin naman itong gamitan ng kuryente mula sa grid ayon sa DA.