HINDI lang sa Pilipinas laganap ang bird flu.
Ayon kay Philippine Egg Board Association Joji San Diego sa panayam ng SMNI News, maging sa ibang bansa ay may bird flu na siyang dahilan sa pagtaas ng presyo ng itlog sa kasalukuyan.
Maliban sa bird flu ay bumaba rin ang produksiyon ng itlog at tumaas ang presyo ng patuka sa mga manok.
Sinabi pa ni San Diego, medyo mahal ang bentahan sa pamilihan kung ikukumpara sa farm gate price na nasa P6.70 hanggang P7.20.
Hindi rin aniya masisi ang nagbebenta sa pamilihan dahil kailangan nilang kumita para sa kanilang pamilya.
Samantala, nilinaw ni San Diego na walang importasyon sa presyong mga itlog maliban lang sa frozen at powdered na mga itlog na ginagamit sa paggawa ng mayonnaise.