Courtesy resignation para sa 2nd level officers, hindi pa napag-uusapan ng PNP

Courtesy resignation para sa 2nd level officers, hindi pa napag-uusapan ng PNP

HINDI pa napag-uusapan bagkus tuloy ang internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang iginiit ni PNP Chief PIO Col. Red Maranan sa panayam sa kanya sa Kampo Krame, araw ng Martes.

Kaugnay ito sa pagkakaaresto sa isang aktibong pulis na kinilalang si PSSG. Ed Dyson Banaag na miyembro ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) NCR sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 312, Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes lamang.

Nahulihan si Banaag ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,000 at pagkakakumpiska ng armas nito.

Ani Maranan, hindi pa napag-uusapan sa PNP ang planong isali sa courtesy resignation ang mga nasa second level officers ng PNP.

Matatandaang kasalukuyang umaarangkada ang panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbibitiw ng lahat ng third level officers ng PNP dahil sa isyu ng iligal na droga.

Nangangako ang PNP na tututukan nila ang kasong ito matapos na mahuli ang isa ring aktibong pulis na si MSSgt. Rodolfo Mayo sa Maynila na nagmamay-ari ng halos isang kilo ng shabu o katumbas ng halos 7 bilyong piso.

Follow SMNI NEWS in Twitter