ISANG malaking patunay na gumagana ang justice system ng Pilipinas ayon kay Atty. Harry Roque.
Kasunod ito ng pag-abswelto ng Court of Tax Appeals sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa hinggil sa 4 na bilang ng kasong tax evasion na inihain noong 2018.
Ang pagkakaabswelto aniya ni Ressa ay isang pagpapakita rin na walang nangyayaring panunupil ng karapatan ng mga mamamahayag sa bansa.
Kaugnay nito ay hiniling ni Atty. Roque kay Ressa na tigilan na ang pagpunta sa ibang bansa at sabihing walang katarungan sa Pilipinas.