NAGPASALAMAT si Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Dra. Maria Rosario Vergeire sa mga katuwang na stakeholders na tumulong sa kagawaran para isulong ang mga programang pangkalusugan.
Iginiit ni Vergeire na muling napatunayan na kapag nagtutulungan ay mas mabilis na naihahatid ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino saan man sila sa bansa.
Kasabay nito ay nanawagan at umaasa ang DOH OIC na sana’y magtuluy-tuloy ang pagsusumikap na magtagumpay ang mga programa at mga plano para magtuluy-tuloy na maisakatuparan ang Universal Health Care para sa bawat Pinoy.
Ilan lamang sa mga naging katuwang ng DOH ay ang mga private sector groups, civil society groups, National Nutrition Council, Research Institute for Tropical Medicine at iba.