TARGET ng 5-man team na hindi aabutin ng tatlong buwan ang gagawin nitong evaluation sa courtesy resignations na inihain ng third-level PNP officers.
Ibinahagi ito ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr., kasunod ng kanilang pagpupulong ngayong araw hinggil sa magiging guidelines ng pagre-review sa resignations.
Magugunitang si Interior Sec. Benhur Abalos ang humikayat sa third-level PNP officials na maghain ng courtesy resignation para malinis ang kanilang hanay mula sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Maliban kay Azurin, kasama sa 5-man team sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Defense Sec. Gibo Teodoro, retired Police Gen. Isagani Nerez at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Quirino Sadang.