Paglipad ng isang private jet sa NAIA, na unang sinabi na hindi dumaan sa proseso, awtorisado –MIAA

Paglipad ng isang private jet sa NAIA, na unang sinabi na hindi dumaan sa proseso, awtorisado –MIAA

KINUMPIRMA ng Manila International Airport Authority na ang pag-escort  ng Airport Police Department (APD) sa isang private jet sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Pebrero 13 ng gabi ay naaayon sa standard operating procedures taliwas sa suspetsa ng Aviation Security Group na may kaugnayan ito sa human smuggling.

Naglabas na rin ng pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa napaulat na hindi otorisadong paglipad ng isang private jet sa NAIA Terminal  1 noong Lunes ng gabi.

Kinumpirma ng MIAA na  ang pag-escort ng Airport Police Department (APD) sa mga sasakyan na pumasok sa Balagbag ramp noong February 13, 2023 ng gabi ay otorisado.

Partikular ang mga pasaherong sumakay sa chartered flight ng Globan Aviation Corporation patungong Dubai.

Paglilinaw ng MIAA na ang assistance na ginawa ng APD ay naaayon sa standard operating procedures.

At obligado ang APD na gamitin ang kanilang patrol cars sa pag-escort sa mga sasakyang pumapasok sa rampa na walang blinkers at  walang permit ng  MIAA para sa Aircraft Movement Area (AMA).

Matatandaan una nang inihayag ng PNP Aviation Security Group na lumipad at nakaalis sa NAIA ang isang private jet nang hindi nai-inspeksyon ng PNP AVSEGROUP na pinagdududahan na may kaugnayan ito sa human smuggling.

Nagsasagawa naman ngayon ng imbestigasyon ang  MIAA base sa kahilingan ni PNP AVSeu NCR chief PCol Rhoderick Campo hinggil sa paglabag daw sa paghandle sa nasabing flight.

Una nang kinumpirma ni Immigration Commissioner Norman Tansingco at sinabi nito na lahat na sakay ng nasabing flight ay dumaan sa derogatory checks at naging compliant sila sa Immigration formalities.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang chartered flights ay nasa category ng special flights, ibig sabihin ang mga pasero ay hindi na dumadaan sa Immigration area.

Ang naturang chartered flight ay may sakay na 10 kung saan ang 3 dito ay mga crew.

Follow SMNI NEWS in Twitter