BATAS lamang ang maaaring mag-abolish sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang inihayag ni MMDA acting Chairman nitong si Romando Artes.
Ayon kay Artes kung ia-abolish ang MMDA, kailangan i-amend ang batas na ito na nag-create sa MMDA at kung tatanggalin nila ang MMDA, kailangan nilang amyendahan ang batas na lumikha nito.
Samantala binanggit din nito ang Republic Act No. 7924, ang batas na lumikha ng MMDA.
Matatandaang sa kaniyang privilege speech noong Lunes, sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na makakatulong ang abolisyon sa MMDA na mabawasan ang mga redundant operations.