INIHAYAG ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na kailangan pa rin ng bansa ang bivalent vaccines.
Ito ay kahit pa mababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Base aniya sa mga pag-aaral, malaking proteksyon ang kayang ibigay ng bakuna laban sa mga mutation o mga bagong sub-variant ng COVID-19.
Punto nito na narito pa ang virus at nanatili ang banta nito sa kalusugan ng tao.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na hindi pa tapos ang pandemic emergency response na ginagawa ng WHO.
Nabatid na ang bivalent vaccine ay darating sa bansa ngayong buwan ng Marso.