Former NTF-ELCAC Spox Dr. Lorraine Badoy, nakipagkita sa Filipino communities sa Japan

Former NTF-ELCAC Spox Dr. Lorraine Badoy, nakipagkita sa Filipino communities sa Japan

NAGKAROON ng pagkakataon upang makipagmeet and greet si former Usec at SMNI Laban Kasama Ang Bayan Anchor Dr. Lorraine Badoy sa mga Filipino communities sa Tokyo at Shizuoka.

Sa layuning magbigay kaalaman at imulat ang kapwa Pilipino sa Japan patungkol sa insurhensiya sa Pilipinas.

Noong Marso 3, nagkaroon ng pagkakataon si Badoy na makilala at makausap ang iba’t ibang lider, organizer at indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ng Filipino community sa Tokyo, Saitama at Chiba.

Kasama nito sa pagtitipon si Ka Eric Celiz via zoom.

Kabilang sa kanilang napag-usapan ay patungkol sa kasaysayan, istruktura at sectoral infiltration ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at ang mga nagawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) .

Buo naman ang nakuhang suporta ni Badoy mula sa Filipino communities sa Japan.

Samantala, noong Marso 5, ang Association of Pinoy Volunteers for Assistance (APIVA) sa Shizuoka ay nasagawa rin ng kanilang meet and greet kung saan si Badoy ang kanilang guest speaker.

Ang APIVA ay isang non-stock, non-profit organization na binubuo ng on-call Filipino at Japanese volunteers na nakatuon sa pagsuporta at pagbibigay ng tulong para sa mga layuning humanitarian at pagyamanin ang malapit na relasyon sa ibang mga dayuhang indibidwal at organisasyon.

Sa nagpapatuloy na tagumpay ng NTF-ELCAC, inaasahan naman ang suporta ng Filipino communities sa Japan sa pakikipaglaban sa insurhensiya bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal at malasakit sa Pilipinas kahit na sila ay nasa labas pa ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter