MAS mura kumpara sa P2.6–M halaga ng kasalukuyang modern jeep ang ibinida ng Association of Committed Transport Organizations Nationwide (Actona) Corporation sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes ng umaga.
Nagkakahalaga lamang ng P1.3-M ang non-airconditioned ng nasabing modern jeepney habang P1.5-M naman ang may aircon.
Mas maluwag ito kaysa sa tradisyunal na dyip at mayroon pang CCTV sa loob.
Ang nakaganda pa ay hindi nawawala ang tradisyunal na itsura ng isang jeepney sa makabagong unit at gawang Pinoy rin.
Ayon sa LTFRB, katanggap-tanggap ang nasabing modern jeepney at maaring gamitin ng mga jeepney operator.
Bukod kasi raw sa na-preserve ang iconic look ng isang tradisyunal jeepney ay pumasa rin ito sa Philippine National Standard (PNS).
Muli namang paglilinaw ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na walang mangyayaring phase out sa mga traditional jeepney kundi ang pag-upgrade lamang ng mga ito.