Presyo ng isda sa Oriental Mindoro, posibleng tumaas dahil sa oil spill

Presyo ng isda sa Oriental Mindoro, posibleng tumaas dahil sa oil spill

POSIBLENG tumaas ang presyo ng isda sa Oriental Mindoro dahil sa nangyaring oil spill.

Ito ang sinabi ni Nazario Briguera, spokesperson ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Pero paliwanag ni Briguela, mangyayari lamang ito kapag maging limitado na ang suplay ng isda na hindi pa naman aniya nakikita sa ngayon.

Aniya pa, peak season ngayon para mangisda pero nakataas ang fishing ban sa 9 na munisipalidad sa Oriental Mindoro na posible pang palawigin ng BFAR.

Pinangangambahan naman ng BFAR ang epekto ng oil spill sa mga reef at mangroves sa karagatan ng Mindoro at mga karatig na karagatan na nagsisilbing breeding ground ng mga isda.

Matatandaan na batay sa pag-aaral, aabutin ng ilang siglo ang rehabilitasyon ng mga coral reef na tinatamaan ng oil spill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter