SINUSUPORTAHAN ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang retention ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa ngunit iminungkahi nito na panatilihin lamang ito sa mga hub ayon ay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na isinusulong ng kaniyang public order committee para sa pagsakop sa POGOs bilang parte ng hakbang upang mapigilan ang mga krimen na may kinalaman sa offshore gaming.
Ani Dela Rosa, maaaring ilagay ng pamahalaan ang mga offshore gaming activities sa tinatawag na “OGO Zones” gaya ng economic zones imbes na sa kasulukuyang kinalalagyan nito kung saan kalat-kalat ang mga ito.
Ito ay kontra sa naunang rekomendasyon ni Senate Ways and Means Committee Chair Sherwin Gatchalian para sa tuluyang ban ng POGOs sa bansa dahil sa mataas na POGO-related crimes nito.
Gayunman, nakatakda pa lamang i-presenta ni Gatchalian ang committee report nito sa Senate plenary dahil tanging 7 sa 8 panel members lamang ang lumagda dito.