Panibagong agri products na dala ng mga pasahero sa NAIA, kinumpiska

Panibagong agri products na dala ng mga pasahero sa NAIA, kinumpiska

NAHARANG ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ilang agricultural products na dala ng mga dayuhang pasahero mula China at Addes Ababa ngayong araw ng Martes.

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa 3 pasahero na sakay ng China Airlines flight MF-819 sa NAIA Terminal-1 ang 2.4 kgs ng plums.

1kgs na Apple, 3.1 kgs plums, 1.5 Nectarines at 1.5 kgs plums.

Habang nakumpiska sa 2 pasahero mula Addes Ababa ang 13kgs na yum, 1.7 at 0.2 kgs na chilli powder.

Paalala ng BPI sa mga pasahero na dumarating galing ibang bansa, ipinagbabawal ang mga nakumpiskang agri-products na walang kaukulang permit gaya ng phytosanitary certificate.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter