South Korea, pahihiramin ang Estados Unidos ng 500,000 rounds ng artillery shells

South Korea, pahihiramin ang Estados Unidos ng 500,000 rounds ng artillery shells

PAHIHIRAMIN ng South Korea ang Estados Unidos ng 500 libong rounds ng 155 millimiter artillery shells na posibleng magbigay sa Washington ng kakayahan na suplayan pa ang Ukraine ng mga armas para sa giyera.

Ayon sa pahayagan na Donga Ilbo, mayroon itong mga source na nagsasabing sa halip na magbenta ay magpapahiram na lamang ang gobyerno ng ammunition upang mabawasan ang South Korean shells na ginagamit sa Ukraine.

Ayon sa defense ministry ng South Korea ang mga kaalyadong bansa ay humahanap ng paraan para suportahan pa ang Ukraine pero hindi naman kinumpirma ang ilang mga detalye.

Hindi naman nagkomento ang U.S. State Department sa isyung ito.

Ang ulat na ito ay inihayag matapos na mag-leak ang highly classified U.S. military documents na nagsasaad na nahihirapan ang South Korea na harapin ang pressure mula sa mga kaalyadong kanluraning bansa para suportahan ang Ukraine ng militar na mga armas.

Nilinaw naman ni South Korean President Yoon Suk-yeol na hindi ito nagbigay ng lethal weapon sa Ukraine pero mas palalawigin pa ang humanitarian assistance nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter