IPINANUKALA ngayon ng National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng 330-k metrikong tonelada ng bigas.
Anila, magsisilbi ito bilang buffer stock tuwing may kalamidad.
Batay sa kanilang taya sa Hulyo 2023, ang buffer stock nila ay hindi na katumbas sa 1 araw na suplay.
Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na dapat sa local farmers bibilhin ng NFA ang kanilang buffer stock.