MALAPIT nang maungusan ng India ang China hinggil sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo.
Ayon sa United Nations, posibleng sa kalagitnaan ng taon ay tuluyan nang maungusan ang Beijing.
Sa ngayon ay nasa 1.4286 bilyon na ang populasyon ng China habang ang India ay mayroong 1.4257 bilyon.
Kaugnay nito, nilinaw ni United Nations Population Fund (UNPF) Indian Representative Andrea Wojnar, walang dapat ikatakot sa lumalaking populasyon.
Dapat ituring aniya itong simbolo ng pag-unlad ng bansa at ang pagpapakita ng malakas na pagpapahalaga ng karapatan ng isang indibidwal.