Road reblocking sa EDSA, magpapatuloy ngayong araw

Road reblocking sa EDSA, magpapatuloy ngayong araw

MAGPAPATULOY ngayong araw ang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa north at southbound lane sa EDSA.

Sa northbound sa pagitan ng Sgt. Mariano St. at Aurora Blvd. sumasailalim sa reblocking ang 2nd lane mula innermost lane.

Sa EDSA northbound na sakop ng Makati ay mayroong reblocking sa bahagi ng MRT Buendia Station at sa may Orense hanggang Urdaneta St.

Sa Pasay, nagsasagawa naman ng repair ang DPWH sa innermost lane ng EDSA sa may Cabrera St. bago ang Taft MRT Station.

Dahil dito, patuloy na makararanas ng mabagal na daloy ng trapiko ang mga motorista sa EDSA.

Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta habang isinasaayos ang mga kalsada sa Quezon City, Makati, Pasay, at Pasig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter