SASAKSIHAN ang ‘Coronation Ceremony’ ni King Charles III sa London ng hari at reyna ng Malaysia sa Mayo 6.
Ayon sa foreign ministry, sina Yang di-Pertuan Agong Al-Sultan Abdullah Ri’ayatuddin Al-mustafa Billah Shah at Raja Permaisuri Agong Tunku Azizah Aminah Maimunah Iskandariah ay dadalo sa coronation sa imbitasyon ni King Charles III na gaganapin sa Westminster Abbey.
Ang hari ng Malaysia at si King Charles III ay naging magkaibigan sa loob ng 4 na dekada.
Magkasama silang naglaro ng polo sa iba’t ibang international championships noong panahon ng kanilang kabataan.