NAKATAKDANG pumirma ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng isang joint memorandum circular para sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Nakapaloob sa naturang memorandum order (MO) ang pagkakaroon ng sharing ng fishing grounds ng mga mangingisda sa lugar.
Para sa mga mangingisda sa San Teodoro at Baco, maaari silang mangisda sa katubigan ng Paluan at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.
Maaari din itong mangisda sa Tayabas Bay at Mindoro Strait.
Ang mangingisda mula sa Calapan City, Naujan, at Pola ay maaaring mangisda sa Boac, Gasan, Marinduque at Tayabas Bay.
Ang magmumula sa Pinamalayan, Gloria, at Bansud ay sa Concepcion, Romblon at Mindoro Strait.
Samantala, ang magmumula sa Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao ay maaari sa Tablas Strait at San Jose, Magsaysay sa Occidental Mindoro.